Punasan mo kaya yang luha mo at tumingin ka sa akin.
Maganda ka. At hindi niya nakita yon. Pero kahit na, may makakakita sayo na mapapansin yung kagandahan mo. Sinaktan ka niya, pero hindi ibi sabihin non na iiyakan mo na siya. Hindi siya karapat-dapat sa mga luha na yan. At wag mong sayangin ang buhay mo sa isang taong hindi nagpahalaga sayo. Ang una mong gawin ay alagaan at mahalin ang sarili mo kahit sa anong paraan na kaya mo. Kasi kung hindi mo mamahalin ang sarili mo, sino pang tao ang makakakita ng kagandahan mo.
Tahan na. May mga taong nakapaligid sayo na hinding-hindi ka iiwan kahit ilang beses mo silang itulak palayo. Sila yung mga taong tinuturing kang kaibigan. Yung taong mahal ka kahit nakita ka na nilang sumuka ng ilang beses dahil sa sobrang kalasingan. Yung taong ipinagtanggol ka sa mga taong kumukutya sa kakayahan mo. Yung mga taong kahit gaano ka katigas, alam nila kung ano yung magpapalambot sa puso mo. Anjan lang sila at hindi ka nila huhusgahan.
Wag ka nang malungkot dahil sa bawat pagpatak ng luha mo para sa taong pinahalagahan mo, may isang tao din na umiiyak dahil nakikita ka nilang nasasaktan at ayaw mo naman na may nasasaktan na tao dahil sayo.
Lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may kahulugan. Kung hindi mo man malaman yung sagot ngayon, malalaman mo rin yan sa panahong kailangan mo ng tulong galing sa sarili mo.
At habang pinupunasan niya ang luha sa kanyang pisngi at tinitingnan ang sarili sa salamin, isang buntong-hinga ang nasambit.
Dear God,Tagal na kitang hindi nakakausap. Tagal na akong hindi humhinto sa paglakad at sandaling manalangin. Ang rami kong gustong sabihin. Ang rami kong gustong ihingi ng payo galing sa'yo. Ang rami kong problema.Eto na naman ako. Napapansin ka lang pag may problema ako. Ganon na ata talaga ako kasama pagdating sayo. Pero anjan ka parin. Hindi mo ako iniiwan at sa twing kailangan kita, alam ko nakikinig ka sa mga daing ko. Kung katulad ka ng mga ibang kaibigan ko at may problema ako, panigurado, pagtatawanan lang nila ako at sasabihing, "MOVE ON." Ang dami ko nang kasalanan sayo. Lahat ng bawal, ginagawa ko. Sorry po. Hindi ko masasabing hindi ko mauulit kasi andito ako sa point na nahuhumaling ako sa mga maling nangyayari sa buhay ko. Pero konsensya ko narin ang pumipilit saking huminto. Siguro hindi talaga konsensya ang nagsasalita, ikaw siguro yon.Salamat sa lahat ng bagay. Sana maintindihan ko kung baket mo ako mahal. Love,KikayP.S. Multi-lingual ka naman diba? So, maiintindihan mo kung Tag-Lish ang sulat ko.
Hindi naman lahat ng heartbreak ay masama. Pero lahat ng heartbreak ay masakit.
Nasabi kong hindi naman talaga masama kung ito ay alam mo nang mangyayari sa umpisa palang o kaya sa gitna. Yung tipong alam mo na wala talagang mangyayari sa inyo. Walang patutunguhan. Hindi masama kung may natutunan kayo sa isa’t isa. Natuto kayong maging matatag. Natuto kayo na hindi masamang mawalan at naisip nyo na sa pagkawala ng taong mahalaga sa inyo, mas natuto kayo kung paano magmahal.
Syempre, kahit natuto ka, may kaakibat na sakit at hindi ito matatakbuhan. Ang sakit ng pagkawala. Maiisip mong baket ka pa nagsayang ng oras sa isang taong mawawala din naman? Isa lang naman ang sagot diyan. Kasi minahal mo nga siya. At nung mga panahong minamahal mo siya hindi mo na naiisip ang oras.
Kagagaling ko lang sa isang heartbreak at matatagalan pa ako bago maka-recover. Hindi naman kasi ganon kadali yun. Dapat lang talaga, magpakatatag at hayaan ang oras na lumipas.
...kapag wala ka sa isang relasyon. Iba ang tingin mo sa salitang love kasi nakikita mo ang pagmamahal sa lahat ng bagay at tao.
Kung dati, kapag nakakakita ako ng lovers na magka-holding hands, naiinggit ako. Naiisip ko, baket sila, nahanap na nila yung taong para sa kanila, baket ako hindi? Asan ba siya? Baket ang tagal naman niyang dumating? Laging ganon. Laging negative.
Ngayon, iba na. Sa tagal na wala akong commitment, iba na ang tingin ko sa mga lovers. Naiisip ko na masaya sila mahal nila yung isa’t isa. Naiisip ko rin na may isang lalaki dyan, hindi ko lang napapansin o hindi ko pa nakikila na hinahanap din ako. Hindi nga lang yun yung tamang panahon o lugar.
Parang isang rosas ang pag-ibig. Sa una, isa palang siyang simpleng bud. Oo, sa susunod na mga araw, mamumukadkad din siya sa sarili niya pero hindi iyon ganong kaganda kung wala sa proseso yung bubuyog na tutulong sa kanya.
Every single day, before going to bed and after sleeping, I always stop and wonder if I am lovable. Am I, really? Lovable. Love-able.
The ability to love.
Is there such thing in me? Is there something wonderful when people look or at least, gaze at me? Is there something beautiful in me? Is there? And the list goes on.
I need to work things out. I need to weigh things. I need everything in a different angle and when I see that different perspective, maybe, just maybe, I can see what’s really lovely.
Dinig ang patak ng ulan sa labas at ang hangin na dumadampi sa pisngi niya. Kahit papaano may nararamdamang malamig sa gitna ng walang kuryenteng gabi. Hindi makatulog si Ate, una dahil isa siyang insomniac at pangalawa ay dahil para sa kanya, mainit parin ang gabi. Papatulog na sana si Bunso, nang narinig niyang nagpatugtog si Ate ng musika galing sa kanyang karag-karag na cellphone. "Ibang klase talaga ang lumang kanta. The best," ani n Bunso. Napangiti lamang si Ate at sinabayan ang kantang tumutugtog.susungkitin mga bituin, para lang makahiling, na sana'y maging akin, puso mo at damdamin. Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo, ang lahat ng ito'y gagawin para sa'yo.
Ngayon, pareho nalang silang hindi makatulog kaya naisipan nilang magkwentuhan habang nakahiga sila sa double deck. Si Ate sa baba at si Bunso sa taas. Nagkumustahan tungkol sa buhay-eskwelahan, buhay-pagibig, at pagkakaibigan. Sa lahat ng napagkwentuhan nila dalawang storya ang tumatak sa isip nilang pareho."Lahat ng tao makakaranas ng pagkabigo, ang masaktan, ang maiwanan. Parte ng buhay yan. Hindi ka tao kung ni minsan hindi mo naranasang masaktan."
Hindi alam ni Bunso kung baket tumatak sa isip niya ang sinabi ni Ate sa kanya. Siguro dahil sa ilang beses na siyang nabigo, nasaktan, at naiwanan. Ngayon lang niya naintindihan na isa siyang taong nakakaramdam at normal lang na hindi siya dapat panghinaan ng loob dahil parte yun ng ika nga maturity ng isang tao. "Nakakatuwang isipin na grade 6 ka na pero hindi mo parin alam ang spelling ng 'sachet'. Hindi mo maiiwasan na maawa sa sarili mo. Tapos maiisip mo na ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo at walang iba."
Masakit pakinggan pero totoo na sa buhay ng tao laging may isang sitwasyon na maiisip mong nakakaawa ang sarili mo. Pero kailangan mong kapalan ang mukha mo at umulit hanggang sa ma-perpekto mo ang teknik. Para sa susunod, hindi ka na mapapahiya at masasabi mo sa sarili mo na hindi ka na nakakaawa.At habang iniisip nila ang napag-usapan, tuluyan nang nagpahinga ang isip at nanaginip.
Ito ba ang tinatawag nilang "writer's block?"
Pilit kong iniisip kung paano ulit ako magsusulat. Yung may sense naman at hindi non-sense. Yung karapat-dapat naman dito sa blogspot.
Namimiss ko na yung panahong may retorika class kami. Hindi naman sa ubligadong magsulat pero nagkaroon ako ng inspirasyon para sumulat. Dahil sa propesor na si Sir Eros Atalia, nangarap akong maging isang script writer. Baket script writer? Kasi mahilig ako sa mga dialogues. Hindi ako katulad ng mga kaibigan ko na magaling gumawa ng storya. Ako kas yung tipo ng taong mahilig makinig sa mga pinaguusapan ng mga tao. Hindi naman yung parang chismosa na pakikinig. Yung tipong pinakikinggan ko ang isang argumento na dadarating sa isang unexpected conclusion o closing.
Kelan kaya ako magsisimulang makapagsulat ulit ng katulad ng "Amber ang pangalan niya." Yun kasi yung sinasabi kong mala-inspirasyon kong naisulat. Kasi hango sa totoong buhay. Tatlong buwan na ng una kong sinulat yun at ngayon hindi ko parin nasusundan.
Nakakaloko pero ang raming pumapasok sa utak ko na mga storya upang gamitin sa isang malikhaing pagsusulat. Makakasulat ako pero hanggang sa gitna nalang. Pagdating doon, hindi ko na alam kung paano ko tatapusin. Yun ang tinatawag nating lahat na frustration.
Kelan ka ulit susulat?