Hindi pa kita nakikilala pero gusto ko ganito ka... Pwede naman yun diba? Ang isipin kung saan, kailan, at paano kita makikilala. Libre naman ang mangarap kaya hanggat pwede'y papangarapin kita.
Kilala na nga ba kita o hindi pa? Nakita na ba kita kung saan? Sa McDo Lacson? Sa Jollibee Asturias? Sa MOA? Sa UST? Sa AB? Sa classroom? Aba malay ko. Ewan ko sayo. May pakiramdam akong kilala kita pero hindi ko alam kung ikaw na nga ba talaga. O kaya hindi pa talaga. Kathang isip lang kumbaga.
Gusto ko mang sabihing gusto na kitang makilala, ayoko pa. Hindi naman kasi ako nagmamadali. Naniniwala kasi ako na pag dumating ang panahon na yon, mararamdaman ko na talagang ikaw na. Ikaw na yung hinihintay ko.
Naglalaban ang isip ko kung kilala na nga ba kita o hindi pa. Gaya nga ng sinabi ko, may feeling ako kilala na kita. Hindi ko lang masabi ng malakas kaya nasa puso palang kita. Sa akin nalang muna, kumbaga. Ayoko naman kasing sabihin sayo kasi alam kong wala ka namang pakialam don. Hindi naman kasi tayo magkakilala. Tintingnan lang kita lagi sa malayo, umaasa na mapansin mo ako, ngumiti ka man lang kahit konti sa medyo kung saan ako nakatayo kahit hindi naman talaga ako ang nginingitian mo.
Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto kong mag-travel at mag-buhay single nang matagal na panahon, pero kahit na ganon, hindi nawawala sa isip ko na kung sa mga pahaon na yon ay makilala na kita at magtagpo tayo sa hindi inaasahang panahon at lugar, magagawa ko pa kaya lahat ng gusto ko. Siguro nga, ang dumagdag lang e ikaw.
Hindi naman siguro ako mahihirapan sayo o kaya ikaw sakin. May expectations ka, e ako rin naman. Magtulungan nalang at suportahan ang isa't isa.
Hindi ako katulad ng iba na mabulaklak ang salita. Madali akong kausap. Parang lalaki kumilos pero babae parin ang puso kaya chill ka lang - mababaw lang ako. Hindi ako mahirap mahalin.
Kung ikaw man ang taong para sakin. Sana malaman kong ikaw na, para hindi na ako maghahanap pa. Basta, pakilala ka, ha?
Sea monkeys fly for me.
About Me
- dani santelices
- A nineteen year old lady turning twenty this December 2010, living in a techno-gadgety generation who is so much in love with black and white film photography, still writes personal stuff in her disorganized diary, rocks a folk guitar, sings loudly while taking a shower, wants ruthless/daredevil adventures, loves her family, friends, sleeps at dawn and had her heart seriously broken twice. What's not to love?
Thursday, January 20, 2011
Tuesday, August 17, 2010
Amber Ang Pangalan Niya (katapusan)
Magkahalong tuwa, lungkot, at panghihinayang ang nararamdaman ko.
Tuwa...
Oo, nakakasawang pakinggan pero paulit-ulit kong babanggitin, natutuwa ako at naalagaan ko si Amber. Natutuwa ako dahil minahal ko siya. Natutwa ako dahil minahal niya ako. Hindi nga nakakapagsalita ang isang aso pero marunong siyang magbigay ng pagmamahal. Natutuwa ako dahil sa mga sandaling kasama ko siya, masaya ako.
"Wala na si Amber.""Paano pong wala? Umalis na naman po ba siya?""Hindi. Wala na siya."
Lungkot...
Hindi ko inakalang sa huling sulyap ko sa kanya, akala ko magkikita padin kami. Yun na pala ang katapusan ng lahat. Wala na. Nawalang parang bula. Kung alam ko lang, hindi na ako umalis. Kung alam ko lang, hindi ko na siya binalik. Kung alam ko lang, hindi na ako lumayo. Kung alam ko lang... Pero hindi ko alam. Nalaman ko nalang kung kailang huli na ang lahat.
"Hinabol ka niya nung umalis ka. Pero biglang nagka-aksidente. Nabunggo siya ng sasakyan."Panghihinayang...
Taragis naman. Baket kasi hindi ka nag-iingat, Amber? Baket kailangan mo pa akong habulin? Namili ka diba? Pinili mo yung totoo mong amo. Pero baket kailangan mo pa akong balikan? Baket kita sinisisi sa mga pangyayari? Baket ang tanga mo?
Nakakapanghinayang hindi kita napansin. Sobrang sakit sa pakiramdam. Sana hindi nalang kita iniwan. Sana hindi nalang kita binalik. Sana hindi nalang kita pinakawalan. Puro sana... pero paano na yan? Wala ka na.
Matapos ang isa’t kalahating oras… Lumabas ako sa vet shop nang may luha, ngiti sa labi at kabog sa dibdib.
Salamat sa pagmamahal. Hinding-hindi kita malilimutan.
Saturday, August 14, 2010
Amber Ang Pangalan Niya. (katuloy...)
Na-miss ko si Amber...
Bumalik na nga pala siya sa kanyang totoong amo. Siyempre ano pa nga ba ang magagawa ko diba? Ako lang naman yung taong kumupkop sa kanya nung mga panahong nawawala siya. Sino ba naman ako para angkinin ang hindi ko pagmamay-ari.
Eto na naman balik na naman sa uswal na ginagawa... Gigising sa umaga, maliligo, magbibihis, kakain, maglalakad papuntang eskwelahan, uupo sa klase, hindi makikinig sa propesor, at maglalakad ulit pauwi ng dorm. Hindi katulad noong anjan si Amber, magigising ako dahil sa ingay ng tahol niya. Yung mga panahon na pag-uwi ko, may sasalubong sa akin at makikipaglaro. Yung panahon na may naglalambing sakin. Namiss ko yung pakiramdam ng may inaalagaan at yung may nagpoprotekta sa'yo.
Isang buwan na ang lumipas at hindi maalis sa isip ko ang bakas ng kasihayan sa mukha ng isang asong nakita na niya bahay na kinalakihan niya. Naalala ko pa ang malambot at mahaba niyang buhok, ang mata niyang kulay 'amber' na tila laging nangungusap at ang napakalakas niya tahol na nagsisilbing simbolo ng kanyang lakas.
Hindi ko na ito kaya... kailangan ko siyang makita.
Martes ng hapon. Nakakabagot at mainit na araw. Inumpisahan kong maglakad. Ang una'y naglakad ako sa UST field. Umupo ng sandali sa bleacher at panandaliang nag-isip. Naalala ko si Amber na masayang naglalaro sa gitna ng damuhan. Napangiti ako. Wala nang makakapantay sa kanya. Bente minuto rin ako nagtagal doon nakaupo nang napagpasyahan nang umuwi.
Ang mga mata ko'y pirming nakatitig sa aking mga paang nagpapa-palit-palit ng hakbang. Pagtingin sa paligid, mga paa'y dinala pala ako sa dating lugar na ipinangako sa sariling hindi na muli babalikan.
Matagal akong nakatayo sa harapan ng pintuan ng vet shop. Nagtatalo ang puso at ang utak kung kakatok at papasok o tuluyan nalang lumayo at magumpisang maglakad. Kung papasok ako, andun pa kaya si Amber? Kung makikita ba niya ako, makikilala pa ba niya ang dating naging kaibigan? Kung makikita ko ba siya, anong gagawin ko? At kung aalis nalang ba ako at maguumpisang lumakad palayo, pagsisisihan ko ba ang panahong may chansa akong makita ko ulit ang dating alaga?
Nakatayo lang ako doon...
Nag-iisip...
Napansin ata ako ng beterinaryong nakatayo doon at malalim ang iniisip. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang isang ngiti...
"Ikaw yung nag-alaga kay Jaki diba? Natatandaan mo pa ba?"
Paano ko namang hindi maaalala...
"Opo... Anjan po ba siya? .... Ah... Eh... Pwede ko po ba siyang makita?"
"Pasok ka..."
***
Matapos ang isa't kalahating oras... Lumabas ako sa vet shop nang may luha, ngiti sa labi at kabog sa dibdib.

Subscribe to:
Posts (Atom)